۞* My Blog ™ *۞

Monday, March 22, 2010



Boarding house….. ayos ba??????
Dito sa Lucban usong uso ang boarding house at apartment sa mga estudyanteng malayo sa kanila it takes 2-3 hours ng byahe bago marating ang kanilang bahay kaya umupa sila sa boarding house at apartment kung baga ay pansamantalang tirahan habang nagaaral dito sa Lucban madami na ko nakita na boarding house. May malayo pero medyo mura ang bayd may mag malapit pero may kamahalan ang bayad at mayroon din swak sa budget. May boarding house na nakapwesto sa tapat ng computer shop, mayroon din naman na medyo madilim ang iyong tatahakin na daan pauwi pero mag –ingat ka na lang yan ang tangiing payo ko.Sa pagikot-ikot ko sa lucban may mga nadiskubre ako sa looob ng boarding house may mga hawak sila alam nyo kung ano? Di sya libro pero hugis parisukat ito na mga baraha pala yan ang pinagaaralan pang masteral pa.Hindi rin mawawala ang kasiyahan dito sa Lucban tulad ng pinaka sikat ang inuman.May mga bilyaran din na malapit sa eskwelahan pero di sinisita ng otoridad.Tulad din sa ibang bayan ay may curfew 10pm my romoronda na barangay tanod,pero hindi lahat ng boarding house aty nagpapatupad nito. Mga bandang 3am my mga inuman at kasiyahan pa din sa bawat kalye.May mga bagay din akong nadiskubra na nakakatimang kung iisipin tulad ng di nyo alam na nalooban na pala kayo ng mga magnanakaw experince na di ko nakalimutan, mga tao na labas pasok bisita dito bisita doon di namaklayan may nangyari na pala. At di rin mawawala dito ang scenario na “patulog nga daw” para sa mga barkada na malayo ang bahay at ayaw maiwan ng kasiyahan o sa kadahilanan dala ng matinding pangangailangan. May mga caretaker na mabait, masungit at pakilamera, mapanghimasok sa buhay ng may buhay, mayroon din kasama pati mga tsikiting… Minsan na kaming nakahuli na ung bata ay nakikialam sa aming gamit pero ng minsan na isanguni amin sa magulang ay galit pa ,sa bagay anak nila yon kaya mas matimbang ang dugo sa tubig.Mag-asawang caretaker nang katukin namin ay huli sa aktong may ginagawang kababalaghan.Sana naman ay inilagay sa lugar at kung gagabihin ka aman ng uwi ay kumuha ka ng apprentice mo para di mapagkamalan na akyat bahay gang…haha….Boarding house na may t.v , radyo para naman makibalita sa kung anong nangyayari sa mundo tanong ko lang meron ba kayo nyan? Sulit ba ang bayad nyo? Ito na lang payo ko,kung sa pagpili mo isipin mo ang tao dun na pagkakatiwalaan mo at hindi lang basta kung gaano kaganda iyon..
`-Almera C. de lara-`

Sunday, March 21, 2010

What do you think?



In the Philippines, it will be very easy for anybody to have an instant friend. I quick glimpse and a charming smile will be enough to start a conversation… that’s all it takes to start a lasting friendship. From the earliest writings found about the archipelago the Filipino hospitality has been a testament of how the early settlers were and it had been passed on to the present. We have not only been welcoming to other raises but also to our own countrymen.
But have you ever wondered how that trait served our people and our culture?
Have you been in any government establishment to seek service that the government pledged to provide to its people? I have… I wanted to get my birth certificate from NSO. I was amazed by how long the line was when I got there. It was 7:00 am and I think there were already 24 people who got there before me. I didn’t know if I would go on or just try to be there earlier tomorrow. I had a 10:00 am Physics class and a 45 minute travel time. I decided to stay and try my luck hoping it will just take me an hour or two get my task done.
And there I was… waiting until all 50 people ahead of me get to the window and out the door. Waiting was not a fun thing to do. Since I was so bored… I thought of seeing how long each person spends at the window only to be told to be back after 2 hours or by the end of the day to pick up their requested document. It was 10 to 14 minutes a person.
At that rate I knew I was bound to be late.
Twenty two persons after a hefty lady I guess on her early forty’s come in. She had this big fancy leather bag, dark sunglasses with golden frame and a 3 inch red stiletto matching her top and oversized belt. She headed straight to the clerk’s window from the narrow front door, flashed a smile to the attending employee and said “Hi, I’m Mrs. Dimagulangan wife of Mr. Honorio Dimagulangan from the Governor’s office he’s a dear friend of your Director. I want to get my youngest daughter’s birth certificate.”
The lady on the window smiled and invited her to come inside. 10 minutes after, she went rushing to the door with a yellow piece of paper on her left hand. I was able to catch what was on the header. It read Certificate of Birth for Nicole Racelis Dimagulangan.
It made me think why it took me 4 hours to file for my request and be told to get it at 3:00 pm and only 10 minutes paired with a charming smile for that lady?
As I head to school it all sank in to me… it was friendship.
It’s so hard for me not to ponder how much more can these kinds of friendship affect our society if it existed between people with greater power and significance. The people that we trusted to employ equality and progress; the people that we expect to protect the democracy and freedom our forefathers died for. I think it’s time for us to make the difference.
In two months time… we will be given the right to choose who to trust. Let’s not forget about friendship. Let’s not forget about how people use it… who use it… what they use it for.

Magagawamo ba?

Bilang kabataan magagawa mo ba nating sumunod sa mga nararapat at karapat-dapat. Sumunod sa mga iiuutos at sinsabi mg ating utak. Magagawa mo ba?? Ikaw?? Kayo?? Kaya Nyo Ba??
Magagawa mo bang kamay ay utusan?
Nang ang kalat, malagay sa basurahan?
At ang mga sukal, pwede mong linisin
Nang di kailangang sayo’y sabihin

Magagawa mo bang itikom ang bibig?
Makinig sa guro, isip paunlarin,
Pakinggan ang kuro-kurot talakayan
Upang karangalan,tuluyang makamtan

Magagawa mo bang umayos sa pila?
Sa silid aralan, maging sa kantina
Sa iyong pagpasok ikaw ba’y umaga
Ng di mahuli sa klase sa eskwela

Magagawa mo bang dagling sumunod?
Sa utos sa bahay o kahit saan man
Kahit walang bantay, kusa ang paggawa
Taos sa iyong puso, bukal sa isipan

Magagawa mo bang iboto ang karapat-dapat?
Nasa ati’y maglilingkod nng tapat
Nasa bawat hinaing ng nangangailangan
Silay nakandarapa para tayo’y tulungan

Kayang-kaya natin ang mga Gawain
Kung tagubili’y pakaiisipin
Magsikap gumanap ng karapat-dapat
Sapagkat sa ati’y disiplinay likas
By:Rea Lou L.Zarsuelo
BSIT-CPT
SLSU

-=bata...bata..."Nakakaawa!.."=-


Pangarap ng bawat magulang na magkaroon ng magandang kinabukasan ang kanilang anak. Nais nilang mabigyan ang kanilang mga anak ng kayamanan na hindi kayang pantayan ng anumang materyal na bagay at ang kayamanan hindi kayang nakawin ng sinuman, Edukasyon na sana’y nakakamit ng mga batang nangangailangan ng kaalaman. Edukasyon na sana’y magbibigay sa kanila ng mataas na pagtingin at pagkilala. Edukasyon na sana’y susi sa pinto ng bawat nilang mga pangarap ngunit nasaan? Nasaan ang mga musmos na batang nangangailangan ng sapat na atensyon at pagpapahalaga?
Ang Pilipinas ay sagana at sapat sa mga yamang bigay ng kalikasan. Nariyan ang malawak na karagatan na pinagmumulan ng mga yamang dagat ang mga kapatagan, kabundukan at kagubatan na pinagmumulan ng mga yamang lupa na kung sana’y binibigyan ng importansya at ginagamit sa mahusay na paraan upang ito’y mas lalong mapagyaman, magkaroon ng sapat na ponto na dapat ay inilalaan para sa mga kabataan at hindi para sa kanilang personal na interes at kasakiman.
Sabi nila “kabataan ang pag-asa ng bayan”, ngunit papaano sila magiging pag-asa ng bayan kung gayong maging sa kahit para sa kanilang mga sarili ay halos wala na silang Makita at madamang pag-asa? Dapat nga ba nating sisihin ang mga ina na silang nagmumulat sa mga bata sa wastong asal at pagpapahalaga? Dapat rin ba nating sisihin ang mga ama na nagsisilbing haligi at nagbibigay ng mga pangunahing pangangailangan sa kanilang mga anak? Marahil ay patuloy tayong nagbubulag-bulagan pagdating sa mga usaping may kinalaman ang pamahalaan. Ang pamahalaan na dapat sana’y nangunguna sa kampanya para sa kaayusan at kabutinhan ng mga kabataan.
Nakakaawa ang mga batang sa murang edad ay naghahanap-buhay na at nagtataguyod hindi lamang ng kanilang mga sarili maging ng kanilang mga pamilya. Nakakaawa ang mga batang umaasa lamang sa basura, sa kalye natutulog, nagtitiis sa lamig ng semento at bukas sa anumang sakit na nagbabadyang kumapit. Nakakaawa ang mga musmos na batang hindi nabibigayan ng sapat na atensyon, proteksyon at pagpapahalaga. Maaatim ba natin na patuloy silang makita na unti-unting nawawalan ng pag-asa at tiwala sa mga tao at samahan na dapat ay tumutulong at nagbibigay ng kalinga sa kanila? Hanggang kailan magpapatuloy ang ganitong pamumuhay ng mga kabataan na salat sa material at emosyonal na bagay? Huwag nating hayaan na tuluyan silang mabaon at masadlak sa dilim ng pamumuhay! Lahat tayo may magagawa..kailangan lang na hindi tayo matulad sa mga ibon sa nakakulong sa hawla at nag-iintay lamang ng susunod na mangyayari..hangga’t may pagkakataon pa huwag nating pahintulutan na umabot sa puntong kakain tayo ng putik.. “[GG]KidzZ” ^^

Yves C. Eleazar
BSIT-CPT IIA

Txt Adik

Araw araw, gabi gabi
Cellphone lagi ang katabi
Sa pagti-text ay sabik na sabik
Pindot ng pindot at adik na adik.

Ringing tone cellphone ko ang aking musika
At ang alert tone nito ang pampagana
Paggawa na pictuer message ay libangan na
Maglalaro ng snake kapag walang iba.

Collecting textmate, yan ang hobby ko
Textplosion at textpower ang favorite kong libro
Reply lagi ako, umuulan man o bumabagyo
Signal lang lagi ang problema ko.

Mula sa kwarto hanggang sa banyo
Pati sa bubong at paluko
Sa salas at sa kusina, punta din ako
Message sending failed walang signal dito.

At last..yehey...hurray "message sent"
Ang text kong "can u b my girlfriend?"
At nakangiting iniisip, ang reply ni textmate
Ang sabi nito ay "sure, lets hev a d8


--Vernadeth O. Puerto
BSIT-CPT 2A

kAhaLagahAn ng bOto...!!!

Sa nalalapit na eleksyon karapatan at responsibilidad natin ang pumili ng mahusay at matuwid na mamumuno o lider sa ating bayan.Lubhang napakahalaga ang gagawin nating pagpili ng ating iboboto. Kaya siguraduhin na ang iboboto natin ay matuwid at di-corrupt upna maiwasanang kaparusahan sa ating sarili at sa ating bayan. Oras na para makialam, oras na para manindigan. Maraming nagsasabi “Bakit pa boboto, pare-pareho naman ang kandidato” mangangako pero mapapapako gagamitin lang ang taxes ng mga pilipino para magpayaman. “Wala na daw Pag-asa”. Hindi totoong wala ng pag-asa meron kung maninindigan tayo at magiging instrumento ng pagbabago. May pag-asa kung gagamitin natin ang ating boto sa mabuting paraan.

Huwag tayong magpadala sa sinasabi ng iba na walang mangyayari diyan. Isipin mo na lang na kung ganoon lahat tayo mag-isip, talagang walang mangyayari. Alam natin na ang bawat boto ay makapangyarihan. Sa pamamagitan ng ating boto kaya nating baguhin ang isang bansa. Hindi nga ba, kaya binibili ito ng mga corrupt na kandidato? Ang mga ganitong kandidato ang mga hindi dapat iboto dahil umpisa pa lang sila ay kaaway na ng bayan. Hindi natin dapat ibenta ang ating boto sapagkat tayo ay isang Pilipino na hindi ipagbibili ang kinabukasan ng ating bansa, at ang kinabukasan ng bawatb pamilya. Isang Pilipnong marunong makialam sa isang mahalagang pagdedesisyon ng buong sambayanan, Isang Pilipinong may paniniwala na hind pa huli ang lahat para sa pilipinas. Nasa ating mga kamay ang susi ng tunay na pagbabago.

-Arlyn A. Granada

hAlAga nG bOto...!!!

Sa nalalapit na eleksyon karapatan at responsibilidad natin ang pumili ng mahusay at matuwid na mamumuno o lider sa ating bayan.Lubhang napakahalaga ang gagawin nating pagpili ng ating iboboto. Kaya siguraduhin na ang iboboto natin ay matuwid at di-corrupt upna maiwasanang kaparusahan sa ating sarili at sa ating bayan. Oras na para makialam, oras na para manindigan. Maraming nagsasabi “Bakit pa boboto, pare-pareho naman ang kandidato” mangangako pero mapapapako gagamitin lang ang taxes ng mga pilipino para magpayaman. “Wala na daw Pag-asa”. Hindi totoong wala ng pag-asa meron kung maninindigan tayo at magiging instrumento ng pagbabago. May pag-asa kung gagamitin natin ang ating boto sa mabuting paraan.

Huwag tayong magpadala sa sinasabi ng iba na walang mangyayari diyan. Isipin mo na lang na kung ganoon lahat tayo mag-isip, talagang walang mangyayari. Alam natin na ang bawat boto ay makapangyarihan. Sa pamamagitan ng ating boto kaya nating baguhin ang isang bansa. Hindi nga ba, kaya binibili ito ng mga corrupt na kandidato? Ang mga ganitong kandidato ang mga hindi dapat iboto dahil umpisa pa lang sila ay kaaway na ng bayan. Hindi natin dapat ibenta ang ating boto sapagkat tayo ay isang Pilipino na hindi ipagbibili ang kinabukasan ng ating bansa, at ang kinabukasan ng bawatb pamilya. Isang Pilipnong marunong makialam sa isang mahalagang pagdedesisyon ng buong sambayanan, Isang Pilipinong may paniniwala na hind pa huli ang lahat para sa pilipinas. Nasa ating mga kamay ang susi ng tunay na pagbabago.

Saturday, March 20, 2010

a-three-letter word..

When it comes to the topic about sex, most of us thought that men are more active than women.
Who is who? which is which? Nowadays, sex is the common topic of teenagers, im just wondering how many of the population is having sex at this moment. Are they married or not? Too many questions, but what really matters is... Do you do sex with love or just pure lust?
by the way, what is the meaning of sex? for me, sex should be done privately, and of course we should get married first before we do this kind of thing. there are so many advertisement in the media today about sexfor us to be familiar and be educated on how to do this kind of thing safely. There is what you called contraceptives that can help us avoid STD's and AIDS. With proper sex education and with avoidance of engaging into sex, we can prevent the spread of diseases like that.
well, if you are going to ask me if i ever engage to sex, my answer is a big NO.
just wait until i get married.. =]

--apple salivia.

DOTA vs. GF


DOTA isa lng sa Mundo,
GF napakarami nyan.
Si GF iiwan ka din nyan,
Si DOTA hindi.

Si GF nagagalit pagnagdodota ka,
Si DOTA hindi nagagalit pag nag-GGF ka.
Si DOTA P20 lng masaya kna,
Si GF baka P200 hindi pa masaya.

Pag nakakakita ka ng ibang hero hindi nagagalit si DOTA,
Pero pag nakakakita ka ng ibang babae nagagalit si GF.
Si GF pag iniwan mo mahirap na balikan,
Si DOTA pag iniwan mo, handa ka prin tanggapin.
Ano mas gusto mo DOTA o GF ?
Mag-isip ka na.

But they have 1 thing in common.
Yun ay lagi silang anjan pag mei problema ka.
Pag natalo ka sa laban, cnu magpapasaya sau? GF dba?
Pag nagkakaproblema ka nman sa GF mu, cnu magpapasaya sau? DOTA dba?
Ang DOTA pde paglaruan,
Pero para sken ang GF ndi pnaglalaruan!



-Jan Brylle A. Jariel

DOTA vs. GF


DOTA isa lng sa Mundo,
GF napakarami nyan.
Si GF iiwan ka din nyan,
Si DOTA hindi.

Si GF nagagalit pagnagdodota ka,
Si DOTA hindi nagagalit pag nag-GGF ka.
Si DOTA P20 lng masaya kna,
Si GF baka P200 hindi pa masaya.

Pag nakakakita ka ng ibang hero hindi nagagalit si DOTA,
Pero pag nakakakita ka ng ibang babae nagagalit si GF.
Si GF pag iniwan mo mahirap na balikan,
Si DOTA pag iniwan mo, handa ka prin tanggapin.
Ano mas gusto mo DOTA o GF ?
Mag-isip ka na.

But they have 1 thing in common.
Yun ay lagi silang anjan pag mei problema ka.
Pag natalo ka sa laban, cnu magpapasaya sau? GF dba?
Pag nagkakaproblema ka nman sa GF mu, cnu magpapasaya sau? DOTA dba?
Ang DOTA pde paglaruan,
Pero para sken ang GF ndi pnaglalaruan!



-Jan Brylle A. Jariel

Friday, March 19, 2010

Rich Or Poor?!!!!.... (Mayaman o mahirap!!!????)

Sa mga filipino ang mayaman ay mahirap
ang mahirap ay mayaman......

bakit ko nasabi?..

ang mahirap dito maraming anak,
kung sino pang mahirap sya pang may ipod?
kung sino pang may mga kailangan sa buhay
siya pang nagsusugal.....
kung sino pa ang mahirap siya pa ang may flatscreen with DVD...

Ang mayaman dito siya pa ang nagpapakahirap sa buhay
makakuha ng mga bagay bagay na kailangan para sa bahay..
siya pa ang kokonti ang anak..
siya pa ang sobrang magisip pagnaka kita ng bagay na hindi kaakit akit..
kala mo baga sila ay mamamatay pagnawalan ng pera sa bulsa..
minsan nakakapatay para lang sa pera..

pero ito tanung ko sa inyo..

sino ba mahirap sa kanila....?
sino ba ang mayaman sa kanila....?
san ba nasusukat ang yaman..?
san ba nakukuha ang tunay na yaman ng buhay..?
at anu ba ang kahulugan ng tunay na yaman ng buhay..?
anu ba angb mga klase ng yaman dito sa mundo../
at panu ito mas mapapayaman...
at maaalagaan...

mayaman ka na ba kung sa pera ay mayaman ka?
anung gagawin mu kung nasa isang isla ka lang at ang dala mo lang
ay ginto pilak at pera..mabubuhay ka ba?
tingin mo?
mayaman ka ba pag wala ka kaibigan, kapamilya at
at higit sa lahat wala kang diyos sa mundo mo?
panu kong solo ka na sa mundo>//????
nasusukat ang yaman ng tao so mga kaibigan at kapamilya na meron ka
at pananalig sa diyos kung saan makakakuha ka sa kanila ng lakas..
sa pera ba?, ginto o pilak na meron ka magagawa mo ba lunokin ang mga ito..?
ang mga klase ng yaman na nasa mundo natin ay madami
di mo na to kailngang hanapin magpakaiharap para makamit ..
pumatay para makuha..

ito ang yaman ng kalikasan,






pagkakaibigan,








pagaalaga sa pamilya..









pagmamahal sa diyos...


ito lang ang kailangan ng tao..

kung meron ka nito mayaman ka na at kung wala maghanap hanap ka na
o magbago ka kung ayaw mo mawalan ng yaman na di mo na kilangan paghirapan...


BY:Ace04
Euvincentson G. Flavier

Thursday, March 18, 2010

Halalan o Hangalan?



Hay…. Naku!... eleksyon nanaman maglalabasan at magpapabango nanaman ang mga kandidatong husto lang sa mga pangako pero kapag naihalal at naupo na sa pwesto napapako na ang mga pangakong binitawan habang nangangampanya. Meron ding iba na nagsasabi na sila daw ang babago sa ating gobyerno totoo bang magagawa nila eto o buhay nila ang magbabago. Dapat pa ba tayong maniwala sa mabubulaklak nilang pananalita para iboto natin sila? Eh para lang nila tayong niloloko kasi kapag nahalal na wala naman silang ginagawa para baguhin ang ating bansa, ibis n baguhin an gating bansa eto ang ginagawa nila papasyalpasyal, parelaxrelax, pakurakurakot, at kumakain ng mamahaling pagkain, samantalang ang iba nating kababayan eh walang makain. Sana yung kinukurarot nila eh ibigay na lang sa mga mahihirap para makatulong at mabawasan ang paghihirap ng ating bansa. Ah…. ewan kayo na ang bahala kung sino ang ihahalal nyo……. Basta ako hindi ako REHISTRO…….. TAPOS




REVIEN “CHUBZ” A. CADAVEZ
BSIT-CPT IIA



Wednesday, March 17, 2010

FrEsH AiR ??!!!



Nakasinghut knb? nang isang pambihirang amoy !! Yun tipong nsa heaven ka. Pero gusto mu nang bumaba sa lupa. Isang nakakatawa na nakakahiya at nakakapula nang mukha. Naamoy mu na ba ang sariling "utot" mu? Mabango ba? amoy Victoria's secret ba o Afficionado?.

Sa aking pananaw, wala pa akong naaamoy na mabangong utot. Bakit ba ikinahihiya ang utot? Oras na may magpasabog nang malagim na amoy na ito. Walang umaamin at pilit na nagtatanggihan isa siyang kriminal hindi marunong umamin na siya ang nagpasabog para kang NPA mapagpanggap.

Bakit ba sinasabi nang mga tao na pag may tunog ang utot sinasabing wala itong amoy? at pag naman daw walang tunog yun daw ang mabaho? Ayon sa aking karanasan yun din ang napapansin ko. Malakas kasi akong umutot abot hanggang kanto (jOKe!!) medyo medyo lang hehehe.

Wag kang magagalit kung ang katabi mo ay umutot lalo na kung mabaho ito. Dahil nakikiamuy ka lamang!!.



Eddieson S. Liwanag
BSIT-ELT II
0-2-10 (otuten)

SEX and LOVE


Sex....

Dahil sa kyuryosidad ng mga tao madalas nila itong pinag-uusapan at ang iba pa nga dyan ginagawa nila ito ......

Parang sa pag-aaral ngayon, kung may "lecture syempre may laboratory....."


Sabi nga ng kuya ko “Syempre sa lahat ng topic ito ang exciting.. yun bang parang wala kang pakialam sa ibang bagay kapag sex ang pinag-uusapan….”Kaya Nakikinig silang mabuti kapag sex ang pinag-uusapan ng sa gayon hindi agad sila mabubuntis or hindi agad sila makakabuntis…..


Hay! naku …..

buhay nga naman…..









Love...

Dito din buhay na buhay ang mga tao lalo na ang mga kabataan dahil gusto nila malaman yung mg experience ng barkada nila pagdating sa love. Isa pa kaya maganda ito pag-usapan kasi minsan nakakakilig, minsan nakakatouch. Sa panahon ngayon mabibilang mo na lang ang seryoso magmahal…..

"Lahat naman tayo marunong magmahal eh!!! Problema nga lang eh!! Hindi lahat marunong magseryoso… kaya yun maraming umiiyak at nasasaktan….."

Bakit nga ba naman kaylangan pa magmahal kung lolokohin, masasaktan. at iiyak lang?....

Hirap talaga magmahal ng sobra......



DONNADETH V. OCAMPO