۞* My Blog ™ *۞

Sunday, March 21, 2010

kAhaLagahAn ng bOto...!!!

Sa nalalapit na eleksyon karapatan at responsibilidad natin ang pumili ng mahusay at matuwid na mamumuno o lider sa ating bayan.Lubhang napakahalaga ang gagawin nating pagpili ng ating iboboto. Kaya siguraduhin na ang iboboto natin ay matuwid at di-corrupt upna maiwasanang kaparusahan sa ating sarili at sa ating bayan. Oras na para makialam, oras na para manindigan. Maraming nagsasabi “Bakit pa boboto, pare-pareho naman ang kandidato” mangangako pero mapapapako gagamitin lang ang taxes ng mga pilipino para magpayaman. “Wala na daw Pag-asa”. Hindi totoong wala ng pag-asa meron kung maninindigan tayo at magiging instrumento ng pagbabago. May pag-asa kung gagamitin natin ang ating boto sa mabuting paraan.

Huwag tayong magpadala sa sinasabi ng iba na walang mangyayari diyan. Isipin mo na lang na kung ganoon lahat tayo mag-isip, talagang walang mangyayari. Alam natin na ang bawat boto ay makapangyarihan. Sa pamamagitan ng ating boto kaya nating baguhin ang isang bansa. Hindi nga ba, kaya binibili ito ng mga corrupt na kandidato? Ang mga ganitong kandidato ang mga hindi dapat iboto dahil umpisa pa lang sila ay kaaway na ng bayan. Hindi natin dapat ibenta ang ating boto sapagkat tayo ay isang Pilipino na hindi ipagbibili ang kinabukasan ng ating bansa, at ang kinabukasan ng bawatb pamilya. Isang Pilipnong marunong makialam sa isang mahalagang pagdedesisyon ng buong sambayanan, Isang Pilipinong may paniniwala na hind pa huli ang lahat para sa pilipinas. Nasa ating mga kamay ang susi ng tunay na pagbabago.

-Arlyn A. Granada

No comments:

Post a Comment