
Sinong mag-aakala magiging kami pala. Isang pagkakaibigan hindi pinlano pero kusang dumating at buong pusong tinanggap. Sinong makakapagsabi na ang pagkakaiba-iba pala naming ang tatatag at tatagal sa aming samahan. Visaya-ilonggo-kapampangan-davao-cebu, iba-iba man ang kanilang lenggwahe pero nagkakaugnay-ugnay parin sa sariling salita-tagalog. ‘Yan ang maihahalintulad ko sa samahan naming, iba-iba man kami ng ugali iisa lang naman ang gusto naming-ang totoong pagkakaibigan.
Unang pasukan naming sa kolehiyo hindi pa kami laging magkakasama. Iba-iba pa kami noong ng barkada. Pero hindi ko malaman pero may kakaibang pwersa para kami ay magkasama-sama.
November 9, 2009 nabuo ang samahan naming “Tamtaks” isang ordinaryong samahan at totoong magkakaibigan sa SLSU Lucban.
Ayos lang ang masaktan ang sarili dahil sa pag-ibig natural lang yan para sa amin dahil totoo kaming magmahal pero oras na ang kaibigan ang masaktan handang lumaban para sa kaibigan. Ang samahang “Tamtaks” hanggang ngayon ay buo parin, habang tumatagal lalong tumitibay. ’Pag totoong tao-kaibigan ang kasama mo umasa ka tatagal ang samahan nyo.
Article by:
Ajen_11
No comments:
Post a Comment