۞* My Blog ™ *۞

Tuesday, March 16, 2010

"Is Dis a Bomb"







Nangyari na ba sa inyo na naglalakad kayo ng biglang may mga tae kayong makikita sa daan na halos matapakan nyo na? at masabi nyo nalang na "Is Dis a Bomb" o kaya naman eh huh......subrang daming bubog,bubog na kumakapit ngunit hindi naman nakakasugat.Ang masama pa eh, may matinding amoy na halos layuan ka ng katabi mo at galit pa sayo.

Sa mga nangyayaring ganito diba napakasama ng pakiramdam nun na halos di ka makalakad dahil sa bombang kumapit sayo o sabi nga eh "natapakan mo" hahahaha. Ewan ko nga ba naman, kung bakit kahit anung ingat ng mga tao eh nakaka syempo parin ng mga nangagkalat na bubog, minsan nga eh kung kelan subra sobra ang pag-iinat mo, eh saka ka pa suswertehin "napakamalas naman" sabi nga.

May mga pangyayari sa ating paglalakad na may napapansin tayong mga buntong bomba, buntong bomba na parang sinadyang ilagay sa ating mga daanan. Mga bomba na ating pupunahin pa, at sa malas nga eh kung sino pa ang pumuna eh siya pang nabibiktima.

Bombang walang sinisino sabi nga, dahil kahit sino ka pa kahit importante pa ang pupuntahan mo eh talagang mapapabalik ka kahit nagmamadali ka pa, talagang abala.

-Rolando Caballero


No comments:

Post a Comment