۞* My Blog ™ *۞

Thursday, March 18, 2010

Halalan o Hangalan?



Hay…. Naku!... eleksyon nanaman maglalabasan at magpapabango nanaman ang mga kandidatong husto lang sa mga pangako pero kapag naihalal at naupo na sa pwesto napapako na ang mga pangakong binitawan habang nangangampanya. Meron ding iba na nagsasabi na sila daw ang babago sa ating gobyerno totoo bang magagawa nila eto o buhay nila ang magbabago. Dapat pa ba tayong maniwala sa mabubulaklak nilang pananalita para iboto natin sila? Eh para lang nila tayong niloloko kasi kapag nahalal na wala naman silang ginagawa para baguhin ang ating bansa, ibis n baguhin an gating bansa eto ang ginagawa nila papasyalpasyal, parelaxrelax, pakurakurakot, at kumakain ng mamahaling pagkain, samantalang ang iba nating kababayan eh walang makain. Sana yung kinukurarot nila eh ibigay na lang sa mga mahihirap para makatulong at mabawasan ang paghihirap ng ating bansa. Ah…. ewan kayo na ang bahala kung sino ang ihahalal nyo……. Basta ako hindi ako REHISTRO…….. TAPOS




REVIEN “CHUBZ” A. CADAVEZ
BSIT-CPT IIA



No comments:

Post a Comment