۞* My Blog ™ *۞

Monday, March 15, 2010


Bakit may mga kabataang hindi marunong magpahalaga sa kung anong meron sila? Gimik dito lakwatsa doon, inom dito sigarilyo doon, patext-text lang. SARAP NG BUHAY!
Yung iba nga dyan pagsabihan lang ng magulang magrerebelde na.

Sa panahon ngayon napakaraming kabataan ang nalululong sa masasamang bisyo. Andyan ang alak, droga, at kung ano-anu pa. . . Dahil dito napakaraming kababaihan ang nabubuntis ng wala sa tamang edad, karamihan pa nga sa mga ito ay hindi handa sa mga resposibilidad at madalas ay iniiwan nalang ng mga lalaki na para bang pusang matapos makabuntis ay iiwan nalang. Ang iba naman ay naiisipang ipalaglag ang nasa sinpupunan nito. Hindi ba nila naiisip na maraming kabataan ang nagnanais ng magandang buhay ngunit ni makapag-aral ay di nila magawa. Swerte na kung makaya nilang maging WORKING STUDENT.

Kung titingnan natin, di natin masisisi kung maraming tao ang lumiliit ang tingin sa mga katulad nating kabataan ngayon. . .

Hahayaan nalang ba nating ganito ang kanilang isipin?

Hindi pa huli ang lahat para patunayan na mali ang iniisip nila! Na marami paring kabataan ang MATITINO, MAY PANGARAP SA BUHAY at NAGSISIKAP para lang mabuhay at makapag-aral para sa magandang kinabukasan.

Huwag nating hayaang mabalewala ang kasabihang "ANG KABATAAN ANG PAG-ASA NG BANSA"

ANNALYN F. JARAPA
BSIT-CPT IIA




No comments:

Post a Comment