Bakit nga ba mabagal ang pag-unlad ng bansang Pilipinas?
American time, mas maaga pa sa itinakdang oras ay naroon sila. Tayo namang mga Pilipino ay may sariling time ito ay ang "Filipino Time" na kung kailan malapit na ang oras ay saka palang naghahanda. Ang dahilan nito ay ang pagiging "late" ng mga Pilipino. Halos lahat na ata ng tao sa Pilipinas ay nalelate sa kanilang mga pupuntahan. Halimbawa nalang dito ay may usapan kayo ng barkada mo para gumimik at magkikita kayo ng 4 ng hapon, 3:30 ka palang maliligo,magbibihis at kung anu-ano pa kaya ka nahuhuli ka sa takdang oras, hindi pa dito ang oras ng iyong pagbyahe kaya mas lalong kang tatagal. Kahit nga ang mga taong may mataas na katungkulan ay nahuhuli rin. Si Pangulong GloriaMacapagal Arroyo na ating mismong presidente ay nalelate din katulad nalang ng pagpunta niya sa SLSU (Southern Luzon State university) na panauhing pandangal sa pagbubukas ng isang building dito. Pero natuloy ito ay almost 1:00 ng hapon. Kaya ang mga estudyante ay naguguluhan kung mayroon pa ba silang pasok o wala. Kaya naman hindi gaanong umuunlad ang Pilipinas ay dahil sa may sariling oras tayong mag Filipino. Kapag nandyan na ang opportunity ay nauunahan na agad sila ng mga bansang hindi uso ang pagiging late.
by Christian Jake Eclavea
No comments:
Post a Comment