۞* My Blog ™ *۞

Sunday, March 21, 2010

Magagawamo ba?

Bilang kabataan magagawa mo ba nating sumunod sa mga nararapat at karapat-dapat. Sumunod sa mga iiuutos at sinsabi mg ating utak. Magagawa mo ba?? Ikaw?? Kayo?? Kaya Nyo Ba??
Magagawa mo bang kamay ay utusan?
Nang ang kalat, malagay sa basurahan?
At ang mga sukal, pwede mong linisin
Nang di kailangang sayo’y sabihin

Magagawa mo bang itikom ang bibig?
Makinig sa guro, isip paunlarin,
Pakinggan ang kuro-kurot talakayan
Upang karangalan,tuluyang makamtan

Magagawa mo bang umayos sa pila?
Sa silid aralan, maging sa kantina
Sa iyong pagpasok ikaw ba’y umaga
Ng di mahuli sa klase sa eskwela

Magagawa mo bang dagling sumunod?
Sa utos sa bahay o kahit saan man
Kahit walang bantay, kusa ang paggawa
Taos sa iyong puso, bukal sa isipan

Magagawa mo bang iboto ang karapat-dapat?
Nasa ati’y maglilingkod nng tapat
Nasa bawat hinaing ng nangangailangan
Silay nakandarapa para tayo’y tulungan

Kayang-kaya natin ang mga Gawain
Kung tagubili’y pakaiisipin
Magsikap gumanap ng karapat-dapat
Sapagkat sa ati’y disiplinay likas
By:Rea Lou L.Zarsuelo
BSIT-CPT
SLSU

No comments:

Post a Comment