Nalalapit na naman ang eleksyon at syempre kapag my eleksyon may kompetisyon. Naglipana na naman ang mga mukha ng mga kandidato na para bang mga perang kung saan-saan nakikita. Kaya parang fiesta ang mga kalsada sa dami ng mga nakakabit. Nagiging mukhang makalat tuloy ang mga lansangan. Naisip ko lang anu kaya kung bawal ang ganung klase ng pangangampanya. Sa halip na gastusin nila ang milyun-milyon nilang pondo sa mga komersyal at campaign materials. Mas maganda siguro kung yung mga pondo na yun ay ipapamahagi na lang nila sa mga lubhang nangangailangan. Sa halip na maging makalat ang mga lugar magiging malinis ito dahil bawal ang ganung klaseng pangangampanya. Kung halimbawa ako ang masusunod diskwalipika ka agad ang sino mang kandidatong mahuli sa pangangampanya sa pamamagitan ng mga posters at komersyal. At ang mga limpak-limpak nilang mga kayamanan ay napakadami ang makikinabang wala ng kalat nakatulong pa sila. At wala pang magiging masyadong isyu dahil ang tanging paraan lang nila para makapangampanya ay mamahagi sa mga nangangailangan at ang taumbayan na lang ang magdedesisyon. Higit sa lahat mababawasan pa nito ang samut saring sakit ng ulo at problema ng Pilipinas. Kumbaga double purpose nangampanya ka na nakatulong ka pa. Hindi mo naman kailangan maging mayaman para makatulong at maglingkod sa bayan. Sa pamamagitan nito sa pag-upo ng nanalong kandidato konti na lang ang magiging problema. Dahil nabawasan na ito nung sa kampanya. Hindi pa sayang ang kanilang mga pera.
By:
Rafael Juan S. Andal
BSIT-CPT II-A
By:
Rafael Juan S. Andal
BSIT-CPT II-A
No comments:
Post a Comment