۞* My Blog ™ *۞

Sunday, March 21, 2010

Txt Adik

Araw araw, gabi gabi
Cellphone lagi ang katabi
Sa pagti-text ay sabik na sabik
Pindot ng pindot at adik na adik.

Ringing tone cellphone ko ang aking musika
At ang alert tone nito ang pampagana
Paggawa na pictuer message ay libangan na
Maglalaro ng snake kapag walang iba.

Collecting textmate, yan ang hobby ko
Textplosion at textpower ang favorite kong libro
Reply lagi ako, umuulan man o bumabagyo
Signal lang lagi ang problema ko.

Mula sa kwarto hanggang sa banyo
Pati sa bubong at paluko
Sa salas at sa kusina, punta din ako
Message sending failed walang signal dito.

At last..yehey...hurray "message sent"
Ang text kong "can u b my girlfriend?"
At nakangiting iniisip, ang reply ni textmate
Ang sabi nito ay "sure, lets hev a d8


--Vernadeth O. Puerto
BSIT-CPT 2A

No comments:

Post a Comment