۞* My Blog ™ *۞

Sunday, March 21, 2010

-=bata...bata..."Nakakaawa!.."=-


Pangarap ng bawat magulang na magkaroon ng magandang kinabukasan ang kanilang anak. Nais nilang mabigyan ang kanilang mga anak ng kayamanan na hindi kayang pantayan ng anumang materyal na bagay at ang kayamanan hindi kayang nakawin ng sinuman, Edukasyon na sana’y nakakamit ng mga batang nangangailangan ng kaalaman. Edukasyon na sana’y magbibigay sa kanila ng mataas na pagtingin at pagkilala. Edukasyon na sana’y susi sa pinto ng bawat nilang mga pangarap ngunit nasaan? Nasaan ang mga musmos na batang nangangailangan ng sapat na atensyon at pagpapahalaga?
Ang Pilipinas ay sagana at sapat sa mga yamang bigay ng kalikasan. Nariyan ang malawak na karagatan na pinagmumulan ng mga yamang dagat ang mga kapatagan, kabundukan at kagubatan na pinagmumulan ng mga yamang lupa na kung sana’y binibigyan ng importansya at ginagamit sa mahusay na paraan upang ito’y mas lalong mapagyaman, magkaroon ng sapat na ponto na dapat ay inilalaan para sa mga kabataan at hindi para sa kanilang personal na interes at kasakiman.
Sabi nila “kabataan ang pag-asa ng bayan”, ngunit papaano sila magiging pag-asa ng bayan kung gayong maging sa kahit para sa kanilang mga sarili ay halos wala na silang Makita at madamang pag-asa? Dapat nga ba nating sisihin ang mga ina na silang nagmumulat sa mga bata sa wastong asal at pagpapahalaga? Dapat rin ba nating sisihin ang mga ama na nagsisilbing haligi at nagbibigay ng mga pangunahing pangangailangan sa kanilang mga anak? Marahil ay patuloy tayong nagbubulag-bulagan pagdating sa mga usaping may kinalaman ang pamahalaan. Ang pamahalaan na dapat sana’y nangunguna sa kampanya para sa kaayusan at kabutinhan ng mga kabataan.
Nakakaawa ang mga batang sa murang edad ay naghahanap-buhay na at nagtataguyod hindi lamang ng kanilang mga sarili maging ng kanilang mga pamilya. Nakakaawa ang mga batang umaasa lamang sa basura, sa kalye natutulog, nagtitiis sa lamig ng semento at bukas sa anumang sakit na nagbabadyang kumapit. Nakakaawa ang mga musmos na batang hindi nabibigayan ng sapat na atensyon, proteksyon at pagpapahalaga. Maaatim ba natin na patuloy silang makita na unti-unting nawawalan ng pag-asa at tiwala sa mga tao at samahan na dapat ay tumutulong at nagbibigay ng kalinga sa kanila? Hanggang kailan magpapatuloy ang ganitong pamumuhay ng mga kabataan na salat sa material at emosyonal na bagay? Huwag nating hayaan na tuluyan silang mabaon at masadlak sa dilim ng pamumuhay! Lahat tayo may magagawa..kailangan lang na hindi tayo matulad sa mga ibon sa nakakulong sa hawla at nag-iintay lamang ng susunod na mangyayari..hangga’t may pagkakataon pa huwag nating pahintulutan na umabot sa puntong kakain tayo ng putik.. “[GG]KidzZ” ^^

Yves C. Eleazar
BSIT-CPT IIA

No comments:

Post a Comment