Sabi nila kapag ang tao daw ay magaling sa English tiyak mahina ito sa Math parang tulad lang din yan kung magaling ka sa Math sa English ka naman mahina.
Pero may mga tao na hindi lang sa subject na ito magaling halos lahat ata ay alam, siguro sila yung mag taong likas na magaling o talagang may kakayanan lang.
Kung ako ang tatanungin Math ang pinakaayaw kong subject lalo na ang trigonometry, kung bakit dahil siguro ito ang pinakamababa kong grade at sa tuwing magsosolve ako ng problem talagang nahihirapan ako.
At kapag oras na ng math talagang kinakabahan ako dahil baka matawag ako kahit minsan alam ko ang sagot pero ayoko lang sigurong magkamali kaya ayokong subukan.
Siguro kung my course lang na walang math kukunin ko yon pero hindi pala ito mawawala dahil kakabit na ito ng buhay natin.
Pero may oras din naman na nagustuhan ko ang Math dahil mabait ang teacher namin kasi kahit mahirap ito nasa teacher pa rin kung papano niya mapapadali ang pagtuturo kaya naman kahit papano tumaas ang marka.
Minsan naisip ko na din kong bakit ba ako matatakot wala na man masamang magkamali minsan dahil sa pagkakamaling ito kung bakit tayo natututo.
Kung sabagay minsan tayo rin ang nagpapahirap kaya hindi natin nakakaya.....
By: Cherry Rose V. Gallardo
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment