








Sa dami ng mga nanalong kandidato hindi ko man lang nakitang umasenso ng tuluyan ang bayan natin, wala namang pagbabago kahit sino ang umupo sa pwesto maliban lang sa pagyaman ng mga taong nasa posisyon. Kung anu-anong mga pangako ang napako, puro salita lang naman sila tuwing eleksyon, mga proyekto na kanila daw gagawin para umasenso at umunlad ang bayan. Pero kapag nanalo na sila mawawalang parang bula ang magagandang bagay na dapat sana ay naipatupad nila. Kapag humihingi lang ng tulong ang mga tao at kung may kailangan sila sa mga ito saka lang sila tumutulong at nagpapapakita ng kabaitan at kasipagan. Bakit ganito ang gobyerno natin, tuwing eleksyon parang mga maamong tupa at mapagkumbaba para makuha ang boto ng mga tao tapos kapag nanalo na sila at may kapangyarihan na wala na silang pakialam at hindi na kilala ang mga taong bumoto para sila ay manalo.
Ang dami ngayon na gustong tumakbo bilang pangulo ng ating bansa, hindi pa man araw ng pangangampanya nagsisilabasan na agad sila sa telebisyon man o sa radyo. Puro pasikat sa kanilang mga patalastas pero magaganda lang ang pinapakita nila na para bang walang kapintasan, mabait, matulungin at napakaperpekto, hay!!!minsan ayoko na manuod ng telebisyon, puro sila lang ang nakikita ko. Si Villar ang kantang "nakaligo ka na ba sa dagat ng basura.........", lahat yata alam iyon minsan nga pinapalitan ng nakakatawang lyrics ng mga kabataan. Ang laki siguro ng nagastos dun bukod sa paggawa ng kanta at mga batang pinagmukha talagang mahirap eh mahal ang bayad sa pagpapatalastas tapos ngayon may bago na naman. Si Loren na kanyang bise -presidente, kahit paborito ko si Sarah Geronimo hindi niya agad makukuha ang boto ko. Si Noynoy ang linyang, "hindi ako magnanakaw" o "kung walang corrupt, walang mahirap", ang gandang pakinggan pero sana totoo iyon, pero hindi ko masasabing siya ang karapat-dapat dahil bumango lang ang kanyang pangalan nung magkasakit at mamatay ang kanyang ina at higit sa lahat kapatid niya si Kris Aquino na malakas ang hatak dahil nasa shobiz. Si Mar Roxas tinaguriang "Mr. Palengke" naman parang ewan, bumaba siya bilang bise ni Noynoy eh mas maganda kung siya ang tumakbo dahil kahit papaano subok na ng tao ang kanyang kakayahan. Si Gibo naman...hay!! okey sana kaso ipagpapatuloy daw niya ang mga proyekto at nasimulan ni Madam Gloria. Sorry na lang siya kung iyon ang ipapapatuloy niya, tapos magpinsan pa sila ni Noynoy na nag-aagawan sa pwesto, paano aasenso ang bayan kung magkakamag-anak ang naglalabanan hindi ba dapat nagkakaisa sila at sinusuportahan ang bawat isa.
Ang dami pang pangalan ang gustong tumakbo tulad na lang nina Eddie Ako, Gordon/Bayani, Binay, ang pagbabalik ni Erap para sa mahirap at hindi ko na alam kung sinu-sino pa, maging sa mga senador sobrang dami din. Sa dami nila hindi ko na sila matandaan, ang dami naman kasing gustong manakaw este magpaunlad ng ating bansa. At syempre hindi rin mawawala sa eleksyon ang mga artistang gustong makaupo sa pwesto, syempre dahil sikat madami talagang susuporta sa kanila kahit wala sila masyadong kaalaman sa posisyong kanilang nilalabanan. Sana naman kung manalo man ang isa sa kanila eh huwag naman kunin ang kaban na ating bayan at baka lalong lumaki ang utang ng Bayan ni Juan.
No comments:
Post a Comment