
Eleksyon ? Bakit nga ba sa tuwing eleksyon eh ang daming nangyayari ?
Bakit ang daming mga aktibidad ?
Maging sa kalye o kung saan man sa bawat bayan.
Bakit kapag malapit sa ang eleksyon
maraming mga lumalabas na mga sinungaling na kandidato ? Marami puro pangako lang naman.
Wala naman natutupad !
Kapag malapit na ang eleksyon saka pa lamang nagkakaroon ng magandang kalye, inaayos na mga gusali.
Naku sana eleksyon na lamang parati. Pagkatapos na manalo sa eleksyon wala na limutan na sa mga plano nila sa bayan. Naku ay lugi ka ngay on.
Hindi naman yata tamang ganon ganon na lamang ang kanilang gawin, dapat kapag naumpisahan na tapusin na nila ! Eh kaso karamihan kasi sa mga kandidato ngayon kapag eleksyon lang gumagawa ng mga proyekto para sa bayan.

Yung iba naman eh gumagawa pa ng mga krimen para lang sa kanilang sariling kapakanan para lamang manalo. Pumapatay ng tao kahit walang kalaban laban.
Tapos yung ibang mga kandidato gumgastos pa ng malaking halaga para lamang manalo, gumagamit pa sila ng mga commericial sa TV eh ang laki ng napapagbayaran nila dun sa bawat minuto binabayaran.
Takte eh kung yung mga ginagastos nila doon eh binibigay na lang nila sa mga taong bayan, edi nakatulong pa sila at nabawasan pa ang problema ng bansa. Naku wala na ba talagang kandidato matino dito sa ating bansa ? Puro kurakot ang alam eh, puro pahirap ang ginagawa.
-RAM ROXAN VILLON
CPT 2A
No comments:
Post a Comment